|
Post by - SQUAD - on Dec 3, 2010 0:04:19 GMT -5
ETO LANG PO ANG PICTURE NA NAKUHA KO NUNG LAST KO NA LARO
Sana po maging leksyon ito sa mga newbie natin sa ALAS at the same time reminder ito sa mga Veteran Players natin na sana laging isa isip na masakit ang matamaan ng malapitan at naka ka sugat ito lalo na ngayon na ang lalakas ng mga baril ng halos lahat. PAG MALAPIT NA ANG KALARO (at most 5 meters) WAG NANG PUTUKAN SABIHAN MO NALANG NA HIT NA SYA ... KUNG PUPUTUKAN NYO MAN WAG RATRATIN O MAG FULL AUTO KAHIT ISANG PUTOK LANG AND TAKE NOTE ... SA VEST SANA ANG PATAMA .. Kahit sabihin man natin sadyang masakit itong SPORT natin wag na sanang dagdagan pa ang sakit. Kahit mag sorry pa tayo hindi na maibabalik ang mga nangyari (pero dapat mag sorry pa rin) So sana bago mag start ng laro i remind ang lahat ng mga sumusunod ... wala pa po itong 3 minutes: 1. Wag putukan ang kalaro na malapit na o sa vest nalang patamaan. 2. Laging lakasan ang sigaw na "Hit" sabay taas ng kamay o baril pag tinamaan na para di na maulitan. 3. Laging i check ang mga baril na dapat naka "safe" sa safe zone. 4. Wag mag plinking kung saan saan (mag designate lagi ng plinking area. Kung may idagdag pa po kayo you are welcome to do so. Let us enjoy our beloved sport as long as we can and let us be good, honest and responsible airsofters for other airsofters and teams to follow. SALAMAT PO
|
|
kawilliam
Lance Corporal
Old Soldiers never die, they just fade away.
Posts: 15
|
Post by kawilliam on Dec 3, 2010 2:42:37 GMT -5
|
|
|
Post by dramony on Dec 3, 2010 7:33:34 GMT -5
Sir Squad, ni-revise ko ng konti.. ;D So sana bago mag start ng laro i remind ang lahat ng mga sumusunod ... wala pa po itong 3 minutes: 1. Wag putukan ang kalaro na malapit na o sa vest nalang patamaan. 2. Laging lakasan ang sigaw na "Hit" sabay taas ng kamay o baril pag tinamaan na para di na maulitan. 3. Laging i check ang mga baril na dapat naka "safe" sa safe zone. 4. Wag mag plinking kung saan saan (mag designate lagi ng plinking area. 5. Wag kalimutan ang reminders 1 to 4. ;D ;D
|
|
sting
Gunnery Sergeant
Posts: 58
|
Post by sting on Dec 3, 2010 7:45:54 GMT -5
Isang malaking AGREE, sir squad ;D
|
|
|
Post by bookere on Dec 3, 2010 8:38:11 GMT -5
Panawagan yan sa mga makukunat ha...at sau sir dramony 1000% agree ko dyan...
|
|
|
Post by josephuz on Dec 7, 2010 0:29:44 GMT -5
hmmmmn... ang galing naman ng picture sir... baka sumikat na model yan... he.he.he.....
|
|
|
Post by Marlooney on Dec 16, 2010 21:43:52 GMT -5
Tama po at lalong tama din si Kasamang Ka William..pag tinamaan na e AAMEN AT AAMEN DIN agad para di na po madoblehan. ;D
But seriously, ako, sampu ng aking mga kasamahang opisyal sa ating team ay di nawawala ang paalala, ito po ay laro hindi lang ng matatapang pero higit sa lahat ay mga maginoo.
Sa anumang sandali na aking masiguro na ang isang myembro o mga myembro ay nawawala na sa hulog sa paglalaro, ay hindi po kami magaatubili ng inyong mga opisyal na kayo ay tuluyang ihulog mula sa grupo..
Ang ating grupo ay binuo hindi upang maging malakas at makapanakit ng mga iba pang manlalaro, bagkus ito ay para sa kasiyahan ng pagiging sama-sama. Ang karamihan sa atin ay malalim na ang ugat ng pinagsamahan ng dahil sa eyrsop, tayong mga nakakatanda kumbaga sa larong ito ay magsilbi sanang pasimuno sa pagpapaalala sa ating mga bata at baguhang manlalaro tungkol sa kahalagahan ng ating samahan..
Ang aming pag-ayon sa pagbuo ng malakas na gamit ng ilan sa atin ay para pagbigyan ang kanilang kuryosidad sa kung ano-ano ang limitasyon ng kanilang mga sariling gamit ngunit espesipiko ko pong sinabi na kinakailangan ding meron kayong bukod na kagamitan para sa ating mga larong pang-Alyansa.
Malimit ko din pong ipaalala sa inyo na ang pagkakaron nyo ng malakas na baril at kung makakasanayan nyo itong gamitin ay magdudulot lang ng istilong katamaran sa laro na isang katawa-tawa sa paningin at palagay ng buong komunidad ng eyrsop..
Maaari ngang makapanlamang ka sa iyong mga kalaban pero sa bandang huli ay dapat mo ding maiisip na din naman talagang kalaban ang iyong kalaro kungdi parang kapatid mo sa ganitong larangan..at hindi naman po maganda at nakakalungkot isipin na ikaw ay ganun sa iyong sarili ding pamilya..
Muli ang paalala na ang Alyansang Batangueno ay may regulasyon tungkol sa lakas ng ating mga baril at ito po ay ang mga sumusunod:
Standard Field/Assault Gun-------------- 500 FPS @ .20g BB CQB ------------------------------------------ 370 FPS @ .20g BB Sniper Gun (Bolt Action/Gas Action)---- 700 FPS @ .20g BB
Sa larong Speedball naman po e bagama't wala pa namang official na stand dito ang BA pero kalimitan na pong iniimpose e 450 FPS @ .20g BB.
Ang Team ALAS ay hindi na ang Berdugo ng Batangas sa larangan ng airsoft..mas nais ko po sanang tayo ay makilala sa ating natatanging mga kakayahan at pagiging maginoo sa paglalaro..
Ang hindi po makasangayon dito ay malayang makakalisan sa bukas na pintuan palabas ng tahanan ng Ala Eh Airsoft Team.
|
|
|
Post by Kulotzky on Dec 17, 2010 17:24:11 GMT -5
tama s ksmang marlooney, wla yan s pana, nasa indian yan..larong maginoo po lng !!!
|
|
sting
Gunnery Sergeant
Posts: 58
|
Post by sting on Dec 18, 2010 1:45:16 GMT -5
isa pa po: hindi lang mga katawan natin ang masasaktan kapag pinalakas natin mga baril natin, kundi pati ang ating mga bulsa
|
|
|
Post by - SQUAD - on Dec 21, 2010 12:24:33 GMT -5
SANG AYON PO AKO SA MGA SINABI NI HENERAL MAR (LOONEY) bagong bansag yan sir hehe.
Ok lang yan pag ikaw lagi naka kalamang pero darating at darating din ang panahon na malalmangan o sadyang bawian ka lalo nat kilala na malakas ang baril mo ... doon mo maiintindihan ang sinasabi namin.
|
|