Post by Wormtongue on Dec 13, 2008 4:08:16 GMT -5
BASAHIN MUNA
Gumising ng maaga bago pa mag bukang liwayway ang ama ng tahanan. Painat na bumangon at nagtungo sa may banggerahan kung saan ang kanyang asawa ay nagpapalingas na ng kinayasang madre cacao para ipanggatong sa nakahandang dalawang gatong na bigas.
Akmang lalapit ang lalaki ng nagsalita ang asawa mula sa gawain: “Gisingin mo na ang mga bata at umaga na.”
Dagli namang tumungo pabalik sa iisang kuwarto ang ama kung saan natutulog na magkakatabi ang sampung anak nito.
Aalisin na sana mula sa pagkakatali ang malaking kulambo ng muling napagmasdan ang mga ito at napasa-isip ang normal na saya, kalungkutan, bangayan at babagan ng kanyang mga anak ng mga araw...at taong nagdaan.
Naalaala niya ang mga taong nagdaan kung saan ang mismong bahay nila ay nagmistulang Pilipinas nuong panahon ng Hapon. Giyera mula sa pultahan hanggang sa palikuran.
Mga taong nagdaan... ang umis ng ama ay biglang nahaluan ng bahagyang kalungkutan ng naalala ang kanyang kawalan ng kakayahan para ipagdiwang man lamang ang petsa ng kapanganakan ng mga ito lalong-lalo na’t darating pa ang Pasko.
Bumalik ito sa kusina at inaasukalan ang nakahandang barakong kape ng nagsalita ang asawa na ngayo’y namamalantsa ng damit pampasok ng mga anak.
“Baken ga puro mga tilaok pa rin ang aking napapakinig, ginising mo na ga ang mga bata?”
Nakaumis na nagsalita ang lalaki “Mahal walang papasok ngay-on. Ngay-on ay tigil putukan muna tayo.” Sabay higop ng kape.
Hindi na nag-isip na sumagot ang asawa: “Aba ay Silbestre ay dapat nuon mo pa sinabi iyan nuong dadalwa pa ang bubwit natin!”
Napatawa si Bestre na halos naibuga ang iniinom na kape.
“Hindi naman gay-on ang ibig kong sabihin Britney mahal ko. Ang ibig kong sabihin ay walang papasok sa kanila ngay-on sapagkat ngay-on ay ipagdiriwang natin ang kaarawan nilang lahat.
Ngay-ong araw na ito ay ititigil muna natin ang mga kaguluhan, sala man o mali, sinungaling man lagi. Ngay-on ay ilalabas ko ang itinatago kong lambanog at kakatayin ko ang lintik na sasabungin ng ating kapitbahay dahil ngay-on mahal ko ay ipagdiriwang natin ANG TIGIL PUTUKAN!
Britney: Ay siya tayo na uli matulog hehe ;D